Bangko na nagpapataw ng mataas na ATM fees hiling tukuyin

MANILA, Philippines — Hinamon ni Makati Rep. Luis Campos Jr. ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pangalanan ang mga bangko na nagpapataw ng mataas na charges sa ATM transactions.

Ayon kay Campos, maaaring maglabas ang Consumer Financial Protection Department ng BSP ng pangalan ng mga aplikanteng bangko lalo na at magsasagawa ang Kamara at Senado ng hiwalay na pagdinig tungkol sa nasabing usapin.

Noong Hulyo 19, 2019 ay inilabas ng BSP ang memorandum 219-020 na nag-aalis sa moratorium na nagtataas sa ATM fees na huling ipinatupad noong Setyembre 27, 2013.

Sinabi pa ng kongresista na sa kasalukuyan ang bank charges ay sa pagitan ng P10-P15 kada interbank withdrawal at P2-P2.50 kada interbank balance inquiry.

Subalit karamihan umano sa lahat ng bangko ngayon ay gustong magtaas ng ATM charges ng 50 porsiyento.

Show comments