^

Bansa

Indoctrination ng pulis, militar sa SUCs hirit

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Indoctrination ng pulis, militar sa SUCs hirit
May kasunduan ang University of the Philippines (UP) at League of Filipino Students kasama ang Department of National Defense na bawal ang pulis at sundalo sa campus ng walang pahintulot ng University administration.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Dapat payagan ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na magsagawa ng indoctrination sa mga estudyante ang pulisya at militar upang labanan ang brain washing ng makakaliwang grupo upang maging aktibista.

“Meron silang polisiya doon na bawal pumasok ang pulis o military sa loob ng kanilang campus para ma-avoid daw ang militarisasyon in the guise of academic freedom daw. Pero hinahayaan nila yung mga komunista na mag-recruit ng mga kabataang menor de edad sa loob ng kanilang paaralan,” sabi ni Sen. Ronald dela Rosa.

May kasunduan ang University of the Philippines (UP) at League of Filipino Students kasama ang Department of National Defense na bawal ang pulis at sundalo sa campus ng walang pahintulot ng University administration.

“Malaki ang imba­lance ng pagpapabor, favored towards the left itong pag-iisip ng ibang mga eskwelahan na ito. Lalung-lalo na itong mga eskwelahan ng gobyerno like PUP (Polytechnic University of the Philippines) and UP, dapat hindi ganito. They are using government resources and yet they are producing enemies of the state,” giit pa ng senador.

“Dapat merong indoctrination din yung maka-gobyerno para pantay, magkakaroon tayo ng race. Bigyan din ng kalayaan ang ating kasundaluhan at kapulisan na makipaghalubilo at magbigay ng kuro-kuro sa mga estudyante doon sa loob at magkakaroon tayo ng race kung sino ang makukumbinsi, mas maraming ma-recruit. Papunta ba sa NPA (New People’s Army) o papunta sa military o sa pulis?” sabi pa ni Sen. Bato.

BRAIN WASHING

STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with