MANILA, Philippines — Bababa ng 42 sentimo kada kilowatt hour (kwh) ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Agosto.
Sinabi ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, na ang pagbaba ng singil ngayong August bill ay bunsod ng mas mababang generation charge o halaga ng kuryente na binibili ng kumpanya sa spot market.
Ang bawas presyo ay katumbas ng P83 bawas sa mga tahanang kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan; P125 sa mga nakakagamit ng 300 kWh; P167 sa mga gumagamit ng 400 kWh, at P209 sa 500 kWh kada buwan.
Ito na ang ikaapat na sunod na buwang nagbaba ng singil sa kuryente ang Meralco.