^

Bansa

'Dar sa DA': William Dar manunumpa bilang bagong Agriculture secretary

James Relativo - Philstar.com
'Dar sa DA': William Dar manunumpa bilang bagong Agriculture secretary
Manunumpa bilang panibagong agriculture secretary si William Dar sa Malacañang alas-dos ng hapon Lunes.
The STAR/Andy G. Zapata Jr., File

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng panibagong kalihim ng agrikultura ngayong araw matapos magdesisyon ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na lisanin ang kanyang pwesto.

Manunumpa bilang panibagong agriculture secretary si William Dar sa Malacañang alas-dos ng hapon Lunes.

Ang ulat ay kinumpirma mismo ni Dar sa The STAR.

Dati nang nanungkulan si Dar bilang kalihim sa agrikultura mula 1998 hanggang 1999 sa ilalim ni dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada.

Hulyo ngayong taon nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na itatalaga na lang niya si Piñol sa Mindanao Development Authority ilang linggo matapos maisapiubliko ang kanyang pagnanais na umalis.

"Lilisanin ni Secretary Piñol ang [Department of] Agriculture... Mahirap para sa akin na asikasuhin pa ang Mindanao dahil lumikha tayo ng panibagong political entity doon, sa ilalim ng... Bangsamoro Autonomous Region in Mislim Mindanao," sabi ni Duterte sa isang talumpati sa Leyte sa Inggles.

Sa tingin daw ni Duterte, mas makatutulong si Piñol sa Mindanao Development Authority, na isang espesyal na katawang magpapaunlad sa Mindanao.

"Sa gitna ng pagbabagong pulitikal doon, kailangan nating ibigay sa mga Moro ang ipinangako natin sa kanila," dagdag ni Duterte.

Una na nagpahiwatig si Piñol ng interes na mailipat sa nasabing ahensya sa kanyang resignation letter.

Dati na ring bali-balita na hindi na masaya ang presidente sa kanyang performance sa departamento.  — may ulat ni The STAR/Maureen Simeon

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MANNY PINOL

RODRIGO DUTERTE

WILLIAM DAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with