^

Bansa

Pinoy sa HK inaresto sa suot na itim na t-shirt

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pinoy sa HK inaresto sa suot na itim na t-shirt
Kasalukuyang nakadetine ngayon sa North Point Police Station si Jethro Pioquinto, isang empleyado ng Hong Kong Disneyland at humihingi ng tulong ngayon sa konsulada ng Pilipinas para makalabas.
AFP

MANILA, Philippines — Inaresto ng Hong Kong police ang isang Pinoy worker makaraang mapagkamalan umano na kasama sa isang protesta nang mapadaan siya sa isang protest area na nakasuot ng itim na t-shirt nitong nakaraang Sabado ng gabi.

Kasalukuyang nakadetine ngayon sa North Point Police Station si Jethro Pioquinto, isang empleyado ng Hong Kong Disneyland at humihingi ng tulong ngayon sa konsulada ng Pilipinas para makalabas.

Nabatid na napadaan si Pioquinto sa isang kalsada sa Mongkok sa Kowloon peninsula at napasama sa isang grupo ng mga demonstrador na nagpo-protesta kontra sa pamahalaan ng Hong Kong dakong alas-11 ng gabi.

Nang magkahulihan, isa si Pioquinto sa dinampot ng mga pulis sa pag-aakalang kasama siya sa demonstrasyon. Nakita ang pag-aresto sa kanya sa internet sa pamamagitan ng live streaming ng isa niyang kaibigan.

Nabatid naman na ina­asikaso na ng mga abo­gado ng Hong Kong Disneyland ang kaso ni Pio­quinto upang agad siyang mapalabas sa kulungan.

Sa mga nakalipas na buwan, sunud-sunod na malakihang protesta ang isinagawa sa mga kalsada ng Hong Kong dahil sa pagkontra sa panukalang “extradition law”. Ilan sa mga protes­ta ay nauwi sa karahasan.

HONG KONG POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with