MANILA, Philippines — Nabaling ang atensyon ng ilang kritiko at mambabatas kaugnay sa inihaing complaint ni human rights lawyer Rico Domingo laban sa kabibitiw lang na presidente ng United Coconut Planters Bank (UCPB) na si Higinio Macadaeg Jr.
Nagsampa kamakailan ng kasong graft and misconduct ang RC Brickwoods Corp. (RC) sa Office of the Ombudsman laban kay Macadaeg at ilang opisyal ng UCPB na pag-aari ng gobyerno dahil umano sa pagbili sa isang ‘disputed building” na AM Flores bldg. sa Makati City.
Napapabalita din sa ilang malapit sa Pangulo na ang pagbibitiw ni Macadaeg ay isa umanong “forced resignation” dahil sa pagkaka-buking ng Pangulo sa mga anomalyang transaksyon.
Dahil dito, nais ni Domingo gayundin ang ilang mambabatas na mabusisi at ma-imbestigahan si Macadaeg sa lalong madaling panahon upang mapanagot kung ito ay mapapatunayang lumabag at nagkasala.