^

Bansa

'Urong-sulong': Lotto, operations tuloy uli 4 na raw matapos suspindihin

James Relativo - Philstar.com
'Urong-sulong': Lotto, operations tuloy uli 4 na raw matapos suspindihin
"[T]he resumption of the Lotto draws shall take effect today, July 31, 2019," sabi ng nilagdaang pahayag ni PCSO vice chairperson at general manager Royina Garma.
File

MANILA, Philippines — Balik sa pagbola ang mga lotto outlets ng Philippine Charity Sweepstakes Office Miyerkules matapos i-lift ng Palasyo ang suspensyon nito kasunod ng mga alegasyon ng katiwalian.

Ayon sa PCSO, tuloy na ang Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, Ultra Lotto 6/58, 6 Digit Game, 4 Digit Game, Suertres Lotto at EZ2 Lotto epektibo ngayong araw.

"[T]he resumption of the Lotto draws shall take effect today, July 31, 2019," sabi ng nilagdaang pahayag ni PCSO vice chairperson at general manager Royina Garma.

(Ipatutupad ang pagpapatuloy ng lotto draws ngayong araw, ika-31 ng Hulyo, 2019).

Samantala, nananatiling suspendido ang operasyon ng small town loterry, Peryahan ng Bayan at Keno magpasahanggang-ngayon.

Itinatag ang PCSO upang lumikom at magbigay ng pondo para sa mga programang pangkalusugan, tulong medikal at serbisyo at pagbibigay ng pagkakawanggawa.

Madalas itong takbuhan ng mga kinakapos sa pera upang madagdagan ang gastusin sa ospital.

"The PCSO continues its endeavor to fight and eradicate illegal gambling and corruption as the Agency thrives in serving the public, especially those who are in dire need of help," dagdag ni Garma.

(Tuloy ang laban ng PCSO para sugpuin ang iligal na mga pasugalan at katiwalian lalo na't nabubuhay ang ahensya sa pagsisilbi sa publiko, partikular na ang mga nangangailangan ng tulong.)

Ipinahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nasabing nabanggit na ligal na sugal nitong ika-27 ng Hulyo.

Gayunpaman, binawi ito ni Duterte apat na araw matapos ang pagpapasara ng mga outlet.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, wala raw nakitang anomalya ang mga imbestigador sa pagsasagawa ng lotto operations.

"The sanctity of lotto remained untainted and all regulatory rules have been followed," ani Medialdea.

(Ang sanktidad ng lotto ay nananatiling walang bahid at sinusundan naman ang mga regulatory rules.)

Una nang sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo na posibleng umabot ng P50 milyon ang nawala sa katiwalian.

Lunes nang pormal na atasan ng Department of Justice ang National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng korapsyon.

Ayon naman sa isang source ng The STAR, pawang mga aktibo at retiradong opisyales ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang nakikinabang mula sa korapsyon.

Sa kabila ng pagkabig ng Palasyo, ipina-revoke na ni Manila Mayor Francisco "Isko" Moreno Domagoso sa Business License Office ng kanilang lungsod ang lahat ng gaming operations ng PCSO.

GAMBLING

LOTTO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES

RODRIGO DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with