^

Bansa

Endo bill ibinasura ni Duterte

Rudy Andal, Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Endo bill ibinasura ni Duterte
Tinahak kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Candon City Bypass Road sa Ilocos Sur kasabay ng inagurasyon nito kamakalawa. Kasama niya sina Senador Christopher “Bong” Go at Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Malacañang na hindi nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Security of Tenure Bill (SOT) na mas kilala bilang “Anti-Endo Bill” na isa sa kanyang campaign promise na tapusin ang endo (end of contract) pero na-veto ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ilang grupo ng mga negosyante ang nag-lobby kay Pangulong Duterte upang huwag pirmahan ang SOT dahil mayroon na daw umiiral na batas para protektahan ang mga manggagawa mula sa illegal contractualization.

 Sa veto message ni Pangulong Duterte sa Senate President at House Speaker na may petsang July 26, 2019 ay ipinunto nito ang paniniyak ng kanyang commitment upang protektahan ang mga manggagawa sa kabila ng pag-veto nito sa ‘anti-endo bill’.

“Gayunman, lagi na­ting layunin na tutukan ang pang-aabuso habang hinahayaan ang mga negosyo na gumawa ng mga bagay na mapapakinabangan kapwa ng pangasiwaan at ng mga manggagawa,” paliwanag ng Pa­ngulo sa kanyang veto message.   

Idiniin pa niya na mahigpit na ipinagbabawal ang labor-only contracting dahil labag ito sa batas bagkus ay dapat mga legitimate job-contracting lamang ang papayagan.

Kung hindi inaksyunan ng Pangulo ang nasabing enrolled bill ay mag-lapsed into law ito ngayon (July 27) subalit malakas ang pag-lobby ng mga negosyante sa Malacañang upang huwag lagdaan ang nasabing panukalang batas na naglalayong tuldukan ang endo sa bansa.

Dismayado ang grupong Bayan Muna sa Kamara matapos na i-veto o ibasura kahapon ni Pangulong Duterte ang SOT. 

Sinabi ni  Bayan Muna Rep. Carlos Zarate na patunay lamang ang pag-veto ng Pangulo sa endo bill na isa na namang pangako noong kampan­ya ang hindi natupad ng Presidente. 

Iginiit pa ni Zarate na malabnaw na bersyon na nga lamang ng Anti-Endo Bill ang pinapi­pirmahan sa Pa­ngulo ay hindi pa nito sinuportahan sa halip ay mas binigyan pa ng halaga ang mga kapitalista kumpara sa mga mahihirap na manggagawa. 

Nagpahayag din ng pagkadismaya ang ilang senador matapos i-veto ni Duterte ang inaaba­ngang pagpasa ng SOT bill.

Mismong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ay nagpahayag ng pagkadismaya bagaman at aminado rin siya na bahagi ng demokrasya ang pag-veto ng Pa­ngulo.

Idinagdag ni Sotto hihilingin niya kay Senator Joel Villanueva na mu­ling ihain ang panukala at bibigyang prayoridad muli ito ng Senado.

Nauna nang nagpahayag ng pagkadismaya si Senator Joel Villa­nueva sa veto ng Pangulo ang kanyang panukalang batas.

Tiniyak din ni Villa­nueva na hindi siya titigil at muling isusulong ang panukalang batas hangga’t hindi natutuldukan ang “endo,” ang termino na ginagamit ng mga em­pleyado ka­pag natatapos na ang kanilang kontrata sa trabaho na kalimitan ay tumatagal lamang ng anim na buwan.

ENDO BILL

RODRIGO DUTERTE

SECURITY OF TENURE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with