^

Bansa

Text gustong gawing 1 sentimo na lang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Text gustong gawing 1 sentimo na lang
Ayon kay Sen. Imee Marcos, nagsusulong ng resolusyon, masyadong malaki ang P1 para sa isang160-character na text message.
AFP

MANILA, Philippines — Isinusulong na sa Senado ang isang resolusyon na gawing isang sentimo na lamang ang text message mula sa kasalukuyang P1 o piso.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, nagsusulong ng resolusyon, masyadong malaki ang P1 para sa isang160-character na text message.

Gusto ni Marcos na utusan ng Department of Information and Communications and Technology (DICT) ang National Telecommunications Commission (NTC) na ibaba ang presyo ng text message at magkaroon ng istriktong price ceiling sa text message.

Naniniwala si Marcos na kung ikukumpara ang presyo ng isang text message sa presyo ng isang byte data para sa data services ng mga telco, maaari itong mapababa ng hanggang P0.05 centavos bawat megabyte ng data pero kikita pa sila.

Maliwanag aniya na ang standard na P1 sa bawat text message ay masyadong malaki.

Naniniwala rin si Marcos na ang mga mamamayan ang makikinabang kapag naibaba pa ang presyo ng pagpapadala ng text message.

vuukle comment

IMEE MARCOS

TEXT MESSAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with