Term sharing tinutulan sa Kamara
MANILA, Philippines – Tutol ang mga kongresista sa isinusulong na term-sharing ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.
Ayon kay Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy, maganda lang ang term sharing sa mga nagnanais na maluklok sa pwesto sa Kamara subalit hindi sa mismong institusyon dahil maiksi lang umano ang tatlong taon sa pagitan ng dalawang Speaker at makakagambala lang ito sa institusyon.
Paliwanag ni Herrera-Dy, ang pagbabago ng liderato ay kasunod din ng pagbabago ng committee chairmanship na makakagambala sa mga committee hearings kabilang na dito ang sa national budget.
Katulad anya ng mga nagdaang liderato, naapektuhan ang budgetary process kaya na-delay ang 2019 national expenditure program.
Para naman kay Capiz Rep. Fredenil Castro, ang term-sharing ay pag-aaksaya lang ng oras at oportunidad ng Kamara para magampanan ang kanilang tungkulin bilang tagagawa ng batas.
Giit pa ni Castro, masisira nito ang continuity ng trabaho ng institusyon kaya dapat na tigilan ang isyu ng term sharing dahil mismong si Pangulong Duterte na ang nagsabi na hindi siya makikialam sa speakership race at ipapaubaya na lang niya ang pagpili sa mga kongresista.
- Latest