MANILA, Philippines — Nagkansela na ng klase ang iba’t ibang bayan at lungsod sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng sama ng panahon.
Naapektuhan ang Metro Manila at mga karatig na lugar ng hanging habagat o "southwest monsoon" na nagbubuhat ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon.
Samantala, ang bagyong si Egay ay patuloy na tumatahak sa hilagang bahagi ng bansa, partikular sa Batanes at Babuyan Islands na inilagay sa ilalim ng Signal No. 1 ng state weather bureau na PAGASA. Inaasahan sa 36 na oras ang malakas na hangin at ulan buhat ng bagyo sa mga lugar na ito. — with Blanch Marie Ancla