Bicol International Airport matatapos sa 2020

MANILA, Philippines — Tiniyak ni Department of Transportation Secre­tary Arthur Tugade na ma­tatapos ang pinapagawang Bicol International Airport sa Albay sa Hunyo 2020 at mapapasimulan ang operas­yon nito bago matapos ang naturang taon.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, ginawa ni Tugade ang kanyang pangako sa pulong nila kamakailan sa tanggapan ng DOTr sa Clark, Pampanga kung saan tinalakay ang huling mga kaganapan ka­ugnay sa P4.8 bilyong BIA at iba pang mga proyekto sa mga rehiyon.

Inaasahang malaki ang maiaambag ng BIA kapag natapos ito sa pang­kalahatang pagsulong ng bansa, lalo na sa lara­ngan ng tu­rismo. Magsisilbi itong susi para mabuksan ang mga nakakabighaning ka­yamanan sa turismo ng timog Luzon.

Ayon sa talaan, 57% na itong tapos nitong nakaraang Mayo 30.

Tiniyak ni Salceda na malaki ang magiging ambag ng BIA sa pambansang turismo lalo na at seryoso rin ang Department of Tou­rism sa misyon nitong itaas sa 20 milyong turista ang aakitin sa bansa.

Show comments