MANILA, Philippines — Hindi tama na akusahan ng pakikialam ang pamahalaan hinggil sa umano’y pagbabago ng pahayag ng mga Pinoy fishermen sa isyu ng pagbangga ng Chinese vessel sa lumubog na bangka ng mga Pilipino sa may West Philippine Sea.
Ayon kay Agriculture Sec. Emmanuel Piñol, unfair na akusahan ang pamahalaan hinggil dito.
Anya, hindi siya nagkaroon ng anumang security arrangement nang bisitahin ang mga magsasaka sa San Jose, Occidental Mindoro na noo’y may mga pulis na nakasuot ng full riot gear nang pumunta sa bahay ni boat captain Junel Insigne.
“Let me just correct the impression that there was any attempt on the part of the government or this administration to intimidate the fishermen to change their story or come up with a lie that is favorable to government,that is unfair to well-meaning people in government right now,” pahayag ni Piñol.
Sinasabi ni Insigne na hindi nila alam kung sinadya o hindi ang pagbangga ng Chinese vessel sa kanilang bangka dahil ang cook lang ng bangka ang gising bago lumubog ang kanilang sasakyang pandagat.
Una nang nabigyan ng BFAR ng bangka ang 22 mangingisdang apektado ng insidente at tatanggap din ng tulong pinansiyal mula sa DSWD.
Dating sinabi ng mga Pinoy fishermen na sila ay na hit and run ng Chinese vessel habang naglalayag sa West Philippine Sea.