MANILA, Philippines — Mas maraming mga Pinoy ang naniniwalang hindi na sila mahirap, ayon sa March 2019 survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa naturang survey ng SWS, bumaba ang self-rated poverty ng 38 porsiyento na maituturing na isang record-low kung ikukumpara sa mga nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, bunga ito ng pagsisikap ng economic managers ng Duterte administration gayundin ng Human Development and Poverty Reduction Cabinet Cluster na aniya’y patuloy na gumagawa ng hakbang na may kaugnayan sa Poverty reduction.
Iginiit pa ni Panelo na naitala ang nasabing magandang resulta ng survey noong panahon ng kampanya kung kailan kasagsagan ng umano’y mapanirang political propaganda ng mga kritiko ni Pangulong Duterte.
Desidido anya ang administrasyon na maabot nito ang target na 14 percent sa 2022.