MANILA, Philippines — Dalawang De La Salle University-Manila graduates ang nanguna sa May 2019 Certified Public Accountant Licensure Examination, base sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission kahapon.
Parehong “top-notcher” ng CPA board sina Josemaria Alvaro Cabarrus Fontillas at Geraldine Jade Frayco Papa na kapwa umani ng 89.83%.
Sa mga unibersidad kung saan pumasa ang 50 examinees pataas, nanguna rin ang DLSU na mayroong 84.72 % passing rate.
61 estudyante mula DLSU ang kabilang sa 1,699 na pumasa sa CPA board, mula sa kabuuang 10,319 kumuha ng pagsusulit.
Narito ang sampung examinees na nakakuha ng pinakamataas na ranggo:
"Successful examinees should personally register and sign in the Roster of Registered Professionals," ayon sa website ng PRC.
(Dapat na personal na magrehistro at lumagda sa Roster of Registered Professionals ang mga pumasa.)
Hindi pa naman inaanunsyo ng PRC kung kailan at saan manunumpa ang mga successful examinees. — Philstar.com intern Edelito Mercene Jr.