MANILA, Philippines — Inaasahang magpapatupad na naman ng price rollback sa petrolyo at Liquefied Petroleum Gas (LPG) ang mga oil companies sa susunod na linggo.
Ngunit, kahapon ay nauna nang nagpatupad ng price rollback ang Phoenix Petroleum Philippines, na bumaba ng P0.35 kada litro ang gasolina at P0.45 naman sa diesel na epektibo ngayon alas-6:00 ng umaga.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE) ang diesel ay nasa P0.50 hanggang P0.55 kada litro, gasolina P0.40 hanggang P0.50 kada litro habang sa kerosene ay P0.50 hanggang P0.60 kada litro.
Tuwing araw ng Martes ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis ang oil price adjustment.
Samantala may inaasahan ding bawas presyo sa LPG sa pagtatapos ng buwan.
Good news ito sa mga ina ng tahanan at mga consumers na inaasahan sa Hunyo 1 ay may malaking bawas sa presyo ng LPG.
Na nasa P6.40 ang tapyas ng presyo sa kada kilo at P70.40 naman sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Ngunit posible pa umano magkakaroon ng pagbabago pagsapit ng Mayo 31.