NCRPO, PDEA tutulong sa Brigada Eskwela ng DepEd

Ayon kay NCRPO chief Major Gen. Guillermo Eleazar, all set na sila para tumulong sa pag­lilinis sa mga eskwelahan dito sa ka­lakhang Maynila.

MANILA, Philippines — Tutulong ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa “Brigada Eskwela” na aarangkada na nga­yong araw sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay NCRPO chief Major Gen. Guillermo Eleazar, all set na sila para tumulong sa pag­lilinis sa mga eskwelahan dito sa ka­lakhang Maynila.

Ipinag-utos na rin ni Eleazar sa lima nitong mga district directors na mag-ikot sa mga eskwelahan at tumulong na maglinis at tiyakin ang seguridad.

Bukod sa paglilinis, magbibigay din ng mga painting materials ang NCRPO para sa weeklong Brigada Eskwela activity ng Department of Education (DepEd) na tatagal hanggang Mayo 25.

Samantala, sa ka­una-unahang pagkakataon, makikiisa ang PDEA sa Brigada Eskwela.

Sa inilabas na memorandum ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino, ipinag-utos nito sa lahat ng kaniyang mga regional directors sa buong bansa na aktibong makiisa sa Brigada Eskwela.

Ayon kay Aquino, naglaan ng tig-P5,000 pondo ang PDEA para sa lahat ng mga regional offices para sa pambili ng mga gagamitin sa paglilinis at beautification materials na gagamitin sa programa.

Show comments