^

Bansa

Halalan 2019 tinawag na 'worst election ever' ng watchdog

James Relativo - Philstar.com
Halalan 2019 tinawag na 'worst election ever' ng watchdog
"Dapat nating isakonteksto na kahit isang VCM lang ang magbreakdown, it could lead to the disenfranchise of voters."
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Dahil sa sari-saring aberya nitong ika-13 ng Mayo, hindi naiwasang tawaging pinakamalala sa kasaysayan ng grupong Kontra Daya ang nangyaring 2019 midterm elections.

Matatandaang minaliit ng Commission on Elections ang pagkasira ng mga vote counting machines matapos unang mapabalita na 400 hanggang 600 nito ang pumalya.

Pero tumaas pa ang bilang na ito.

"Worst election ever. Bakit siya worst? ... [H]indi lang ito usapin ng magnitude ng breakdown ng vote counting machines... '[Y]ung latest data coming from Comelec is a little more than 900. Bukod pa [ito] doon sa 1,000 SD cards na hindi rin gumana ng husto," sabi ni Kontra Daya convenor na si Prof. Danilo Arao.

Taliwas sa sinasabi ng Comelec, sinabi naman ng Department of Education na umabot sa 1,333 kaso ng pagpalya ng VCM ang nakuha nila mula sa ulat ng mga gurong nagtrabaho nitong Lunes.

Paalala ni Arao, hindi maliit na bagay ang epekto ng mga nabanggit na technical glitches.

"Ang framing ng Comelec, maliit na bilang lang 'yung VCM na nag-breakdown kung ikukumpara mo sa 85,000 plus na gumana rin naman," dagdag ng grupo.

"Dapat nating isakonteksto na kahit isang VCM lang ang magbreakdown, it could lead to the disenfranchise of voters."

Nanawagan naman ang grupo sa publiko na samahan silang magtungo sa Philippine International Convention Center mamayang alas-kwartro y media para i-protesta ang aniya'y kwestyonableng resulta ng eleksyon.

Sa panayam ng dzMM kay Comelec spokesperson James Jimenez nitong Abril, sinabi niyang aabot sa 1,000 botante ang pinagsisilbihan ng kada VCM. 

Ito'y bahagyang pagtaas mula sa 800 kada VCM noong eleksyong 2016.

Taong 2010 nang pumalya ang aabot sa 205 VCM mula sa 76,347 units.

Noong 2013, sinabi nasman ni Comelec Chairperson Andres Bautista na 171 ang nag-malfunction na makina.

Nasa 125 naman ang nagkaproblemang VCM noong 2016.

Pinakamataas ang mga nangyaring problema ngayong taon.

Ang watchdog na Legal Framework for Truthful Elections naman, dismayado rin sa kinalabasan ng halalan.

"[Dapat] [i]-call out pa rin ang Comelec with regard to the procedures, lahat ng irregularities na nakita namin sa pagpapaboto ng electoral board members, lahat ng kailangan nilang sagutin," ani Brizza Rosales, project director ng Lente.

Para naman sa election lawyer na si Romy Macalintal, na tumakbo rin sa pagkasenador sa ilalim ng Otso Diretso, tila hindi napaghandaan nang husto 

"The preparation should not be only six months before the elections. At least one year before the polls, dapat meron na tayong at least 8o% assurance," wika ni Macalintal, na una nang nag-concede ng kanyang kandidatura.

Samantala, sinimulan na ang pagsasagawa ng random manual audit para sa katatapos lang na botohan para masiguro ang accuracy ng pagbibilang ng VCM.

Pero paalala ng Comelec, hindi ito magagamit bilang batayan ng electoral protest.

"[The RMA] is not conclusive of the results of a particular contest so it cannot substitute for an electoral protest," wika ni Comelec commissioner at RMA committee head Luie Tito Guia, Miyerkules.

(Ang RMA ay hindi depinitibo ng resulta ng halalan kung kaya't hindi ito pamalit sa protestang elektoral.)

2019 MIDTERM ELECTIONS

COMMISSION ON ELECTIONS

KONTRA DAYA

LENTE

VOTE COUNTING MACHINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with