LP, Magdalo nasa likod ni ‘Bikoy’ - Palasyo
MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Malacañang na ang Liberal Party, Magdalo group at ilang media personalities ang umano’y nasa likod ng “Bikoy” video na ang layunin ay wasakin ang administrasyong Duterte at iangat naman ang kandidatura ng Otso Diretso senatorial candidates.
“The President has received intelligence information that shows there is a deliberate conspiracy between certain groups to discredit his admin for purposes of this election and the groups,” ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Kabilang sa tinukoy ni Panelo na personalidad na kasama umano sa ‘conspiracy’ para wasakin ang gobyernong Duterte ay sina opposition Senators Bam Aquino at Antonio Trillanes gayundin ang nakalaban ni Pangulong Duterte sa 2016 elections at senatorial candidate ngayon na si Mar Roxas.
Ang nasabing impormasyon ay natanggap daw mismo ng Office of the President at dumaan sa beripikasyon.
Inamin naman ni Panelo na wala silang impormasyon na may military component o suporta ng militar sa conspiracy laban sa Duterte administration.
- Latest