Canada sasagutin ang gastos sa basura

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador­ Pa­nelo, ito ang iniulat ng DFA at DENR sa ginanap na cabinet meeting­ kamakalawa.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sasagutin ng Canadian government ang gastusin sa pagpapabalik ng mga basurang iti­nambak sa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador­ Pa­nelo, ito ang iniulat ng DFA at DENR sa ginanap na cabinet meeting­ kamakalawa.

Iniutos din ni Pangu­long Duterte na hindi na dapat papasukin sa bansa ang anumang garbage ship­ments mula sa ibang bansa.

Magugunita na nag­banta si Pangulong Du­terte na kapag hindi kaagad kinuha ng Canada ang kanilang itinambak na basura ay itatapon niya ito sa mga beaches ng Canada.

Nasa 103 containers ng basura mula Canada ang dumating sa Pilipinas noong 2013 hanggang 2014 kung saan ay nasa 26 containers nito ang ibi­naon sa Tarlac landfill.

Show comments