MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang isang maliit na pabrika ng pabango sa San Juan City nitong Biyernes Santo ng gabi.
Sa ulat ng San Juan City Fire Marshal, bandang alas-11:10 mg gabi nang magsimula ang sunog sa pabrika ng pabango sa kahabaan ng R. Lagmay Street sa lungsod ng San Juan.
Ang sunog ay mabilis na kumalat mula sa unang palapag hanggang sa ikalawang palapag ng gusali dahilan marami ditong mga flammable materials na gamit sa paggawa ng pabango.
Agad namang nagresponde ang mga bumbero at inapula ang apoy bago pa man ito kumalat sa mga katabing kabahayan sa lugar.
Ang sunog ay umabot ng ikalawang alarma bago ito idineklarang kontrolado na ng mga bumbero.
Wala namang iniulat na nasawi at nasugatan sa nangyaring sunog.