^

Bansa

Brgy. officials na mangangampanya, sisibakin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Brgy. officials na mangangampanya, sisibakin
Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, sinampolan na nila ang 52 barangay official na kanilang ipinagharap ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes na umano’y sangkot sa partisan politics ngayong May 13, 2019 National and Local Elections.

MANILA, Philippines — Sisibakin ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga barangay officials na mangangampanya.

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, sinampolan na nila ang 52 barangay official na kanilang ipinagharap ng reklamo sa Commission on Elections (Comelec) noong Biyernes na umano’y sangkot sa partisan politics ngayong May 13, 2019 National and Local Elections.

Alinsunod sa joint circular ng Comelec at ng Civil Service Commission, tanging ang Pa­ngulo, Ikalawang Pangulo at iba pang elective officials lamang ng bansa ang pinapayagang ma­ngampanya para sa isang kandidato sa eleksiyon, at hindi kasama dito ang mga barangay officials.

Maging noon pa man aniyang bago sumapit ang panahon ng kampanyahan ay pinaalalahanan na nila ang mga barangay officials na bawal silang mangampanya para sa mga kandidato, ngunit mayroon pa ring sumuway sa mga ito.

“Ang term doon, ba­wal sila ikampanya nang lantaran. In fact, pinapayagan naman silang makisawsaw sa issues tuwing kampanya. Ina-allow din silang magsalita kung sino ang preferred candidate, pinapayagan din sila sa social media,” paliwanag pa ni Den­sing. “Pero ‘yung lantaran na sila ay magkakampanya at pinapakita sa taumbayan kung sino ang kanilang manok sa darating na eleksyon, ‘yun ang talagang pinagbabawal ng ating batas.”

EPIMACO DENSING III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with