^

Bansa

2 belt handang depensahan ni Vera taun-taon kung mananalo sa Oktubre

James Relativo - Associated Press
2 belt handang depensahan ni Vera taun-taon kung mananalo sa Oktubre
"I'll probably be competing twice a year, defending whatever needs to be defended, [do] whatever to keep ours ours, 'di ba?" sabi ni Vera.
PSN/James Relativo

MANILA, Philippines — Hindi mangingiming mag-"double effort" sa cage ang ONE Heavyweight World Champion na si Brandon Vera oras na masungkit ang light heavyweight title, sabi niya sa mga reporter nitong Martes.

Makahaharap kasi ni "The Truth" ang light heavyweight champion na si Aung La N Sang mula Myanmar sa darating na ika-13 ng Oktubre.

"I'll probably be competing twice a year, defending whatever needs to be defended, [do] whatever to keep ours ours, 'di ba?" sabi ni Vera.

Bilang kampeon kasi ng heavyweight division, isang beses lang kada taon kung lumaban si Vera sa ONE Championship. "[U]nless... [I'm] doing a movie, then it's once every two years," banggit niya.

Matatandaang lumabas sa pelikulang BuyBust ni Erik Matti ang batikang mixed martial arts fighter taong 2018.

"So whether it be at light heavyweight or at heavyweight, I will defend either one just as proud. Sa atin din 'yun eh. It's not like one means more than the other. So bahala na. Whatever they ask, whatever they want. Game na," dagdag niya.

Pagbaba ng weight class

Sa ngayon, todo ensayo na si Vera para matapyasan pa ng karagdagang pounds bago ang fight night.

"Everyday. Some days, two hours. Some day, six hours. It just depends on the day, it depends on my coach, it depends on my body. If I go hard, 'di ba, this week I could go hard [for] four days in a row. Walang problema. Six hours a day, no problem," wika ni Vera.

Dati nang nag-compete si Vera bilang light heavyweight sa Ultimate Fighting Championship bago umangat ng weight class.

Kinakailangang umabot siya ng 225 pounds o 102.1 kilograms para pumasok sa weight limit.

Ibang-iba naman daw ang kanyang training regimen ngayong bababa siya. "It might not look like it because I move a lot."

Para rito, magsasanay daw siya kasama ang mas maraming light heavyweights at middleweights dahil mas "fast paced" ang aksyon para sa naturang division.

"Heavyweights will still be in my corner, will still be in my training camp because nobody punches and kicks like heavyweights, 'di ba? Kahit mabagal, ang sakit non eh," sabi niya.

Hindi naman daw kampante si Vera sa kanyang makakatunggali.

"He's a monster now. He's throwing head kicks, throwing rib shots. He broke Ken's [Hasegawa] ribs with kicks. So I'm very excited and very impressed."

Maliban sa light heavyweight title, kasalukuyang ding middleweight champion si Aung La.

Pagkontrol sa pagkain 'mas mahirap'

Pagbabahagi ni Vera, tila mas madali pa ang mismong training kaysa sa pagkontrol ng kanyang pagkain.

"I should pay attention for what I am eating now. And being Pinoy, mahirap na nga 'yon eh. I already don't eat the taba on the lechon, I don't eat the balat ng lechon, now you're telling me I just can't eat the karne ng lechon? Like, I cannot eat anything from the lechon?" ani Vera.

"Sanayan din, itong trabaho natin. This is what we wanna do, and pangarap ko talaga is to become a double title holder," sabi niya.

AUNG LA N SANG

BRANDON VERA

MIXED MARTIAL ARTS

ONE CHAMPIONSHIP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with