Batas sa doble-plaka susugan

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaa­ring hingin ng Pangulo sa Kongreso na susugan ang naturang batas kung mapanganib ito at may basihan ang mga pangamba rito.
Boy Santos

Duterte sa Kongreso

MANILA, Philippines —  Maaaring hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na amyendahan ang Motorcycle Crime Prevention Act kung naglalaman ito ng mga probisyon na magkokompromiso sa kaligtasan ng mga gumagamit ng motorsiklo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maaa­ring hingin ng Pangulo sa Kongreso na susugan ang naturang batas kung mapanganib ito at may basihan ang mga pangamba rito.

Kaugnay nito, uma­asa ang Malacañang na mareremedyuhan sa binabalangkas na Implementing Rules and Regulations (IRR) ang isyu sa doble plaka ng mga motorsiklo matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng pagsuspinde sa pagpapatupad nito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo sa media briefing sa Malacañang kahapon na binabalangkas pa naman ang IRR ng nasabing bagong batas ukol sa doble plaka ng mga motorsiklo kaya posibleng dito na lamang remedyuhan ang isyung ito.

Kinontra ng mga motorcycle riders ang pagpapatupad ng doble plaka sa motorsiklo dahil sa isyu ng seguridad hanggang sa sabihin ng Pangulo kamakailan sa Iloilo City na iuutos niya ang pagsuspinde sa pagpapatupad ng nasabing batas.

Ayon kay Panelo, sa isyu ng penalty ay dapat amyendahan na ng Kongreso ang nasabing batas dahil hindi naman puwedeng sa pamamagitan lamang ito ng IRR.

Wika pa ni Duterte, masyadong malaki ang multang P50,000-P100,000 sa mga lalabag sa bagong batas bagkus ay ipinahiwatig ng Pangulo na dapat ay P15,000 lamang ito.

Nakatakdang ipata­wag din ng Pangulong Duterte ang author ng batas na si Sen. Ri­chard Gordon sa Malacañang upang plan­tsahin ang nasabing batas.

Show comments