^

Bansa

Pulis Tondo pinakakasuhan ng murder sa 'tinokhang' noong 2017

Philstar.com
Pulis Tondo pinakakasuhan ng murder sa 'tinokhang' noong 2017
Kaugnay ito ng kaso ni Djastin Lopez, isang 23-anyos na epileptic, na napatay sa madugong gera kontra droga ng administrasyon.
File photo

MANILA, Philippines — Iniutos na ng Office of the Ombudsman ang dismissal at paghahain ng kasong murder kay PO3 Gerry Geñalope, isang pulis Tondo, na kasama sa isang police operation noong 2017.

Kaugnay ito ng kaso ni Djastin Lopez, isang 23-anyos na epileptic, na napatay sa madugong gera kontra droga ng administrasyon.

Sinabi ng ombudsman na mayroong probable cause para paniwalaang murder ang ginawa ni Geñalope.

"By invoking self-defense, Geñalope admitted inflicting the fatal injuries that caused the death of Djastin," ayon sa resolusyon.

Sinabi ng ina ni Djastin na kasama lang ng anak ang kanyang mga kaibigan nang biglang pasukin ng mga pulis. 

Dumararanas daw ng epileptic seizure si Lopez kung kaya't nabangga ang isa sa mga pulis, dahilan para masampal at barilin.

Nakita rin nilang guilty sa grave misconduct ang pulis at iniutos na ang kanyang dismissal mula sa serbisyo.

Iniutos na rin ang kanselasyon ng kanyang eligibility maging pulis, pagkawala ng benepisyo pagretiro at panghabambuhay na diskwalipikasyon mula sa paghawak ng public office.

"It is basic that once an accused in a prosecution for murder or homicide admitted his infliction of the fatal injuries on the deceased, he assumed the burden to prove by clear, satisfactory and convincing evidence the justifying circumstance that would avoid his criminal liability," dagdag nito.

Ayon daw sa dalawang saksi, tinutukan pa rin ng baril si Djastin kahit nagmamakaawa na nang "Huwag po. Huwag po."

"Despite the pleas of Djastin, PO3 Geñalope pushed him, causing him to fall on the ground in a supine position," sabi ng Ombudsman.

Habang nasa sahig, hindi na raw nagawang depensahan ni Djastin ang sarili ngunit binaril pa rin daw nang limang beses sa dibdib at tiyan.

Ibinasura naman ng ombudsman ang mga reklamo laban kay Senior Inspector Jojo Salanguit at tatlo pang John Doe mula sa Manila Police District Station 7 dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Iniutos na rin ang karagdagang imbestigasyon kung lehitimo nga ba ang na nangyari noong ika-18 ng Mayo taong 2017.

Isa ang kaso ni Lopez sa mga naisama sa "communication" na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, na tinitingnan bilang porma ng "crime against humanity."

OPLAN TOKHANG

POLICE OPERATIONS

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with