Doc Willie, Anakalusugan nagsanib sa Universal Healthcare
MANILA, Philippines — Handang magtulungan ang Anakalusugan partylist at si Senatorial candidate Dr. Willie Ong na maisulong ang maayos at matatag na health care system sa bansa kung papalaring makalusot sa darating na ?May 13 election.
“We need a partner in the House of Representatives to come up with key legislation that will promote and protect the health and well-being of all Filipinos. I have found that partner in Anakalusugan, a party-list that truly represents us all – rich and poor, young and old – because health knows no political color nor economic class,” ani Ong na unang nakilala sa social media dahil sa patuloy na pangunguna nito sa survey sa senatorial bet.
Ayon kay Anakalusugan nominee Mike Defensor, karangalan nila na makatuwang si Dr. Ong sa pagsusulong at paghahangad na magkaroon ng maayos at abot kayang presyo at sistema ang bansa pagdating sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Filipino.
“Together, we will be a force to reckon with in Congress not just in passing necessary laws but also in serving as the Filipinos’ watchdog to ensure that PhilHealth and the Department of Health deliver the services expected of them,” dagdag ni Defensor.
Ang Anakalusugan at si Dr. Ong ang nag-iisang partylist at senatorial candidate na nagsusulong ng interest na magkaroon ng magandang kalusugan ang mga Pinoy.
Ayon pa kay Dr. Ong, dating consultant ng Department of Health at 25 taon ng nagsasagawa ng kanyang medical mission, magiging prayoridad niya na imonitor kung napapatupad ang implementing rules and regulations ng Universal Health Care law.
Habang ang Anakalusugan naman ay isusulong ang tatlong bagay na prayoridad nito gaya ng pagbibigay ng libreng maintenance na gamot sa ilalim ng PhilHealth, libreng diagnostic test at pagbibigay ng allowances sa mga barangay health workers at nutrition scholars.
- Latest