^

Bansa

MILF Vice Chairman Jaafar pumanaw na

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
MILF Vice Chairman Jaafar pumanaw na
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maituturing na “warrior of peace” si Jaafar na nagsilbing chairman ng MILF peace panel mula 1996 hanggang 1997 at vice chairman ng MILF Political Affairs.

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) vice chairman at speaker-to-be of the parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ghazali Jaafar kahapon dahil sa kidney failure.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, maituturing na “warrior of peace” si Jaafar na nagsilbing chairman ng MILF peace panel mula 1996 hanggang 1997 at vice chairman ng MILF Political Affairs.

“The Palace takes this opportunity to send our heartfelt condolences to the family members and friends of Mr. Jaafar. He has fought many battles for peace and may Allah grant him a place in Jannah (Paradise),” pahayag ni Panelo. 

Matagal ng may iniindang sakit si Jaafar at hindi na nito nakayanan kaya binawian ng buhay sa edad na 75.

Kinilala ng gobyerno ang naging kontribusyon ni Jaafar sa pagsusulong ng Bangsamoro Organic Law.

Si Jaafar ay nagsilbi ring Bangsamoro Transition Commission chairman bago ang naganap na referendum sa Bangsamoro Organic Law (BOL) kamakailan na siya namang pumalit na sa ARMM. (Joy Cantos)

GHAZALI JAAFAR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with