SSS Chief Dooc, nagbitiw sa puwesto
MANILA, Philippines — Nagbitiw bilang pangulo at chief executive officer ng Social Security System (SSS) si Emmanuel Dooc.
Mismong si Dooc ang nagkumpirma sa isang panayam na nagbitiw siya sa puwesto dahil expired na ang termino at hindi muling itinalaga ni Pangulong Duterte.
Aniya, naisumite na rin niya kay Pangulong Duterte ang kanyang irrevocable resignation dahil ang kanyang appointment ay nakabatay sa lumang Social Security Law.
Idinagdag pa ni Dooc, ang kanyang pagbibitiw ay magbibigay ng oportunidad sa Pangulo upang pumili ng bagong SSS president.
Habang isinusulat ito ay wala pa ring pahayag ang Malacañang partikular si Presidential Spokesman Salvador Panelo hinggil sa resignation ni Dooc. (Angie dela Cruz)
- Latest