MANILA, Philippines — Tinanghal na pinaka-mayamang Filipino si former Senate President Manny Villar ng Forbes magazine, ayon sa 2019 Forbes list ng World’s Billionaire.
May networth na $5.5 bilyon si Villar at ranked 317th worldwide. Si Villar ang may-ari ng Starmalls at Vista Land.
Pumangalawa kay Villar ang founder ng JG Summit na si John Gokongwei na may networth na $5.1 bilyon habang ikatlo naman si Enrique Razon na may-ari ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) at Solaire Resort and Casino.
Ang iba pang nasa listahan ng Forbes richest Filipinos ay sina Lucio Tan ($4.4 billion); Tony Tan Caktiong & family ($3.9B); Ramon Ang ($2.9B); Andrew Tan ($2.7B); Hans Sy ($2.4B); Herbert Sy ($2.4B); Harley Sy ($2.2B); Henry Sy Jr. ($2.2B); Teresita Sy-Coson ($2.2B); Elizabeth Sy ($1.9B); Eduardo Cojuangco ($1.4B); Roberto Coyiuto Jr. ($1.4B); Ricardo Po Sr. & family ($1.2B); Roberto Ongpin ($1.1B).