Mga anak ni Janet Napoles binasahan ng sakdal

Nahaharap sila sa 97 bilang ng kasong graft at 97 counts din ng kasong ‘malversation of public funds’ kaugnay sa pagda-divert ng P900-million Malampaya fund sa mga bogus na NGOs ni Napoles.

MANILA, Philippines — Binasahan na ng sakdal ng Sandiganbayan ang mga anak ni pork barrel scam queen Janet Lim-Napoles. Hindi nagpasok ng ‘not guilty plea’ sina Jo Christine at James Christopher Napoles sa mga kaso ng katiwalian na kinakaharap sa Sandiganbayan.

Nahaharap sila sa 97 bilang ng kasong graft at 97 counts din ng kasong ‘malversation of public funds’ kaugnay sa pagda-divert ng P900-million Malampaya fund sa mga bogus na NGOs ni Napoles.

Sa halip ay si Associate Justice Bernelito Fernandez ang nagpasok ng ‘not guilty plea’ sa mga anak ni Napoles gayundin sa mga kapatid nito na sina Reynald at Ronald Francisco. Tulad din sa mga kaanak ni Napoles, tumanggi rin na magpasok ng ‘not guilty plea’ ang bank manager na si Winnie Villanueva at ang korte na lamang ang gumawa nito sa kanya.

Show comments