Bangko Sentral Governor pumanaw sa sakit na kanser
MANILA, Philippines — Namatay na nitong Sabado ng gabi si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla, Jr. sa edad na 60 dahil sa sakit na kanser.
Dahil sa pangyayari, isang special meeting ang isinagawa ng Monetary Board na nagtalaga kay Deputy Governor Almasara Cyd Tuano-Amador bilang BSP Officer-In-Charge (OIC) hanggang sa pormal nang mag-appoint si Pangulong Duterte ng kapalit ni Espenilla.
Nagpaabot na ng pakikiramay ang Pangulo sa mga kaanak, kaibigan at sa mga kasamahan sa trabaho ni Governor Espenilla.
”We express our gratitude to the man once in charge of disciplining banks for his complete devoyion to his work and great service to the nation,” mensahe ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Nobyembre 2017 nang ma-diagnose na may kanser si Espenilla at naideklarang cancer-free noong 2018. Subalit ilang buwan ang lumipas ay nagbalik din ang karamdaman hanggang sa noong Disyembre 2018 hanggang Enero 2019 ay nagpagamot na sa ibang bansa.
Taong 2017 ng i-appoint ni Duterte si Espenilla matapos ang mahigit 40 taon sa institusyon bilang debt analysis nuong 1982.
Si Espenilla ang nag-pioneer ng National Retail Payment System at ipinakilala ang Instapay, electronic fund transfer system, PESONet kung saan dito na nagsimula ang pag-kambiyo mula sa cash and check-based payments ngayon ay sa pamamagitan na ng electronic means.
- Latest