^

Bansa

Pagsasaka, hindi basketball nakailangan ng import - Mar Roxas

Pilipino Star Ngayon
Pagsasaka, hindi basketball nakailangan ng import - Mar Roxas
Ito ang tahasang sagot ni former DTI at dating senador Mar Roxas sa mga nagsusulong ng rice importation at pag-aangkat ng mga produktong agrikultura.
Joey Viduya/File

MANILA, Philippines — Mas malakas na suporta ng gobyerno ang kaila­ngan para mapasigla ang pagsasaka at hindi sagot ang importasyon.

Ito ang tahasang sagot ni former DTI at dating senador Mar Roxas sa mga nagsusulong ng rice importation at pag-aangkat ng mga produktong agrikultura.

Ayon kay Roxas, ang pagsasaka ay hindi katulad ng PBA na may All-Filipino Conference at Reinforced Conference na kailangan pa ng imported players.

Binigyang-diin ni Roxas na ang planong deregulasyon sa asukal, bigas at iba pang agri products ay magiging dagok sa local farmers na umaasa lamang sa kanilang ani.

“Nakakapagtaka, parang lahat na lang ng iminumungkahi ng Department of Agriculture ay mag-import tayo. ‘Di ba parang inaamin natin na hindi natin kaya, na hindi niya nagampanan yung trabaho nya. Hindi naman basketball ang pagtatanim at pagsasaka, ma­galing ang mga Pinoy farmers dyan mula’t mula pa,” sabi pa ni Roxas.

Payo ni Roxas, mas mabuting doblehin pa ang pagsuporta ng gobyerno sa mga magsasaka para mas gumanda ang produksiyon nila tuwing harvest season at tumaas umano ang kita ng mga ito.

RICE IMPORTATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with