MANILA, Philippines — Muling iginiit kahapon ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na panahon na upang magkaroon ng Department of Overseas Filipino Workers (DOFW).
Sinabi ni Pimentel na hindi maikakaila ng gobyerno na malaking bahagi ng populasyon, o halos isa sa labing-isang Pilipino, ay nakikipagsapalaran sa ibayong dagat at ang kanilang kapakanan ay kailangang matiyak at pangalagaan sa lahat ng pagkakataon.
“Ang dami na nila. Bagamat mayroon nang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), hindi sapat ang tauhan ng dalawang ahensyang ito upang tugunan ang dumadaming pangangailangan ng ating mga OFW,” sabi ni Pimentel.