^

Bansa

P3.7-T nat’l budget aprub na ng bicam

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P3.7-T nat’l budget aprub na ng bicam
Ito’y matapos apru­bahan kahapon ng Bicameral Conference committee ang pambansang pondo na huling araw na rin ng sesyon ng Kongreso para sa kanilang election break.

MANILA, Philippines — Niratipikahan na ng Kongreso ang P3.757 trillion panukalang 2019 national buget.

Ito’y matapos apru­bahan kahapon ng Bicameral Conference committee ang pambansang pondo na huling araw na rin ng sesyon ng Kongreso para sa kanilang election break.

Ang pag-apruba sa budget ay na-delay dahil sa alegasyon na may pork barrel insertions sa amendments ng Natio­nal Expenditure Program o NEP.

Nauna nang sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na bawat isang miyembro ng Kamara ay mayroong P160 milyon maging ang mga kasamahang senador ay may insertion na P23 bilyon infrastructure program.

Nilinaw naman ni House Appropriations Committee chaiman Rolando Andaya Jr. na hindi na gagamitin ang cash based system na isinusulong ni Budget Secretary Benjamin Diokno.

Matapos na ratipikahan ng dalawang kapulungan ng kongreso ay ipapasa na nila sa Pangulo para malagdaan at ganap na maging batas.

Muling magbubukas ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 20, 2019.

BICAMERAL CONFERENCE COMMITTEE

PANFILO LACSON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with