^

Bansa

Karahasan sa Mindanao dadami kung walang ML, ayon sa Palasyo

Philstar.com
Karahasan sa Mindanao dadami kung walang ML, ayon sa Palasyo

MANILA, Philippines — Nanawagan ang Malacañang sa mga kritiko na tigilan na ang pagkwestyon sa pagpapatupad ng batas militar sa Mindanao matapos ang sunod-sunod na pagsabog sa tatlong lugar sa bansa noong nakaraang buwan.

Mas malala pa ang lagay ng Mindanao kung walang martial law, giit ni Presidential Comminications Secretary Martin Andanar.

“Tinatanong ng iba kung paano nangyari 'yon sa kabila ng martial law. Mas malala ang sitwasyon kung walang martial law sa Mindanao dahil hindi magkakaroon ng checkpoints,” sabi ni Andanar sa state-run Radyo Pilipinas sa Ingles noong Sababo.

Ayon kay Andanar, ganoon din daw ang pananaw ng mga nakausap niya sa Cagayan de Oro, Bukidon, at Misamis Oriental.

“So, huwag na silang makialam sa martial law sa Mindanao sapagkat maayos naman," dagdag ng PCOO secretary na dating broadcast journalist.

Isinailalim ni Digong ang Mindanao sa batas militar noong ika-23 ng Mayo taong 2017 matapos mangyari ang madugong Marawi Siege ng mga grupong kunektado diumano sa Islamic State.

Bagama't idineklara ang "liberation" ng Marawi matapos ang limang buwan, hindi pa rin tinatanggal ang martial law doon upang masukol daw ng pamahalaan ang mga threat groups sa Kamindanawan.

Nagkaisa ang supermajority ng Kongreso, sa pamumuno ng mga kaalyado ng pangulo, na palawigin ang martial law nang tatlong beses. Napaso ang unang extension noong ika-31 ng Disyembre taong 2017, habang ang ikalawa naman ay umabot sa katapusan ng 2018. Aabot hanggang katapusan ng 2019 ang huling pagpapalawig.

Sa gitna ng pagpapatupad ng martial law, nangyari ang ilang pagsabog sa Mindanao. Una ay sa Romano Katolikong simbahan ng Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu, ikalawa ay sa Magpet, North Cotabato, at ikatlo naman ay sa isang masjid (mosque) sa Zamboanga City.

Mahigit 20 katao ang namatay at dose-dosena pa ang sugatan sa magkasunod na pagsabog sa loob ng simbahan sa Jolo noong ika-27 ng Enero. Ayon sa ilang opisyal, Indonesian suicide bombers daw ang nasa likod ng mga pagsabog, na nangyari ilang araw tanggihan ng Sulu ang Bangsamoro Organic Law, ang batas na lilikha sa panibagong autonomous region.

Isinisi naman sa New People's Army ang pagsabog sa North Cotabato na ikinamatay ng isang pulis at nakasugat sa pitong iba pa isang araw matapos ang insidente sa Jolo.

Dalawa naman ang patay habang apat ang sugatan sa pagsabog ng granada sa isang mosque sa Zamboanga, ika-30 ng Enero.

Duda naman ang mga kritiko sa pagpapatupad ng martial law, lalo na't nangyayari pa rin ang karahasan sa kabila ng mas mahigpit na security measures.

Ikinatatakot ng human rights group na Karapatan na maaaring ginagamit ag Jolo bombing upang madaliin ang pag-amyenda sa Human Security Act na maglalagay sa karapatang pantao diumano sa alanganin.

Siniguro naman ng Malacañang na hindi kakailanganing magpatupad ng martial law sa Luzon at Visayas.

Nangangamba naman daw ang gobyerno sa Region 10 ayon kay Andanar. Napipinto na kasi ang ikalawang plebisito ng BOL sa ika-6 ng Pebrero para sa mga residente ng Lanao del Norte, maliban sa Iligan City, at sa mga bayan ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Misayap, Pikit, Pigkawayan, at Tulunan sa North Cotabato.

"Ayaw naming mahadlangan ng mga terorista ang mapayapang resolusyon sa Mindanao sa pamamagitan ng Bangsamoro Organic Law," banggit ni Andanar habang inuudyok ang publikong makipagtulungan sa pamahalaan.

"Kailangan nating maging alerto. Kailangan nating makipagtulungan sa gobyerno. kKailangan nating makipag-coordinate sa [Armed Forces of the Philippines], makipagtulungan sa Philippine National Police, at local government units. 'Yun ang pinakamagsisiguro sa ating kaligtasan," sabi niya.

BANGSAMORO ORGANIC LAW

MARTIAL LAW

MINDANAO

TERRORIST ATTACKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with