MANILA, Philippines — Dumulog sa Supreme Court (SC) ang isang partylist group para hilingin na baligtarin ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagdidiskwalipika sa kanilang grupo sa May 2019 elections.
Sa pamamagitan nang inihain na petisyon, tinutulan ng Aksyon Health Workers Partylist ang naging findings ng Comelec na hindi raw lehitimo na representative ang kanilang grupo sa mga health workers.
Gayunman, sinabi ng grupo na layunin ng kanilang partylist group na magkaroon ng kampanya para sa libreng medical services, pag-alis ng value added tax (VAT) sa lahat ng gamot, pagtaas ng suweldo ng mga health workers at magna carta for private health workers.
Magugunita na nagpasaklolo rin sa SC ang Manggagawa partylist para makasali sa midterm elections sa Mayo.