Nagugutom na Pinoy nabawasan

Sa nakaraang 3rd quarter survey noong 2018 ay nasa 13.3 percent ang nagsasabing sila ay nagugutom.
File

MANILA, Philippines – Bumaba sa 10.5 percent ang mga Filipino na nagsasabing sila ay nagugutom, base sa resulta ng 4th quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) noong 2018. 

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito na ang pinaka-mababang record sa loob ng 15 taon.

Sa nakaraang 3rd quarter survey noong 2018 ay nasa 13.3 percent ang nagsasabing sila ay nagugutom.

Ayon kay Panelo, ang pagbaba ng bilang ng mga mahihirap ang isa sa mga dahilan kung bakit mayorya pa rin ng mga Pilipino ang nagtitiwala kay Pangulong Duterte.

Sinabi ni Panelo na dodoblehin pa ng Duterte government ang pagsisikap upang lalo pang bumaba ang bilang ng nagsasabing nagugutom pa rin sila at namumuhay sa kahirapan.

 

Show comments