MANILA, Philippines — May ugnayan at direktang komunikasyon ang National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) kay Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison.
Isiniwalat ni “RSV”, dating miyembro at organisador na, ang NUJP ay parte umano ng isang kolektibong unit sa pangunguna ng political officer ng CPP.
Direkta umano ang kanilang ugnayan sa Utrecht base leadership dahil sa espesyal na gawain ng NUJP, bilang panangga ng NPA kapag ito ay nasusukol na ng militar.
Isa pang nagpakilalang Ka Ernesto ang nagpahayag na matagal na siyang kasapi ng NUJP at pinapatunayan niyang ang operasyon at utak na nagpapatakbo ay mga komunista.
Idinagdag ni Ka Ernesto ang paggamit ng NPA ng mga kabataan, pati na rin ang mga menor de edad na Lumad bilang armadong mandirigma ng kilusan.
Kaya aniya siya tumiwalag sa samahan ay dahil hindi na niya masikmura ang patuloy na paggamit ng kabataan na sumapi sa kilusan kahit na alam niyang ang kahihinatnan ng mga ito ay kamatayan o kulungan.
Una nang pinabulaanan ng NUJP ang akusasyon na sila ay “legal fronts” ng CPP-NPA-NDF.