^

Bansa

Okada Manila 'di na natuto,' ayon sa DENR, matapos ang planong balloon drop

James Relativo - Philstar.com
Okada Manila 'di na natuto,' ayon sa DENR, matapos ang planong balloon drop
Tinatayang 130,000 lobo ang pakakawalan sana ng club na nakatanggap ng kritisismo mula sa netizens at environmental groups.
Facebook/Cove Manila

MANILA, Philippines — Binakbakan ng Department of Environment and Natural Resources ang nakatakda sanang "balloon drop" ng Cove Manila sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Tinatayang 130,000 lobo ang pakakawalan sana ng club na nakatanggap ng kritisismo mula sa netizens at environmental groups.

Sinabi naman ng DENR na bagama't biodegradable ang mga gagamiting lobo ay aabutin ng anim na buwan hanggang apat na taon ang aabutin bago ito mabulok.

Ayon sa Biodiversity Management Bureau ng DENR, tila walang natutunan ang Okada Manila, na namamahala sa Cove Manila, sa mga cleanup drives na isinagawa noon kasama ang departamento.

"With this balloon drop event, it was made clear to us that Okada Manila did not actually grasp the rational of the cleanup activity," sabi ng pahayag.

Dagdag ng DENR, hindi na sinusubaybayan ng Guinness World Records ang mga ang ganitong "environmentally impactful records."

Kinansela ng pamunuan ng Cove Manila ang nakatakda sanang record-breaking event ngunit nanindigan na hindi nito mailalagay sa panganib ang kalikasan.

"Okada Manila has explained to the public that the event will not harm the environment, as the event will be held indoors and the balloons will not be released in the air," ayon sa kanilang Facebook post.

Nakatanggap din ng sulat ang club na umuudyok sa kanilang ikansela ito.

Tinawag namang "trash bomb" balloon event ng grupong Kalikasan People's Network for the Environment ang pagdiriwang sa isang press statement.

Aniya, lilikha ng 260 kilo ng basura ang event na lalong magpapalala sa polusyon ng Manila Bay. Napupunta raw kasi sa dagat ang karamihan sa basura ng Kamaynilaan.

"Hindi natin dapat i-sugal ang ecological future ng Metro Manila sa malalaking negosyo gaya nito," ayon kay Leon Dulce, National Coordinator ng Kalikasan-PNE, sa wikang Ingles. 

Pinangako naman ng Cove Manila na magpapatuloy ang kanilang New Year's Eve Countdown Party at di maaapektuhan ng pagkakasela ng balloon drop.

BALLOON DROP

COVE MANILA

DENR

NEW YEAR'S CELEBRATION

OKADA MANILA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with