90% ng mga Pari, bakla - Digong
MANILA, Philippines — Inakusahan ni Pangulong Duterte na 90 percent ng mga Catholic priests ay mga bakla.
Hinimok din ng Pangulo na iwasan na ang pagsisimba bagkus ay magtayo ng maliit na chapel sa kanilang mga bahay upang doon na lamang magdasal.
“The most hypocritical institution in the entire Philippines is the Catholic Church and the Pope knows that,” wika pa ng Pangulo.
“No offense intended, I have so many relatives who are gay. I have two brother-in-laws who are gay. But most of the priests there are homosexuals, almost 90 percent of you. So do not postulate on my morality,” wika ng Pangulo kamakalawa ng gabi.
Ginawa ng Pangulo matapos ang naging pahayag ni Pope Francis na dapat umalis sa pagka-pari ang mga bakla o maging celibate ang mga ito.
Sinisi rin ni Duterte ang simbahan sa paglago ng populasyon ng bansa dahil sa pagtutol ng mga ito sa family planning at population control.
“We are very poor. We have a runaway population. It’s because of the Church. They have always been against family planning. But the priests and the bishops are also into it producing more Filipinos. The idiots of our times,” giit pa ni Pangulong Duterte.
Pinanindigan din ng Palasyo na may basehan si Pangulong Duterte nang tawagin nito ang simbahang katoliko na isang hypocritical institution.
Ang nais aniyang palutangin dito ng Presidente ay ang gawain ng ilang alagad ng simbahan na taliwas o kaiba sa mga itinuturo nito sa kanilang miyembro habang muli nitong isinalaysay ang masamang karanasan ng Pangulo mula sa isang pari na kung saan, nakaranas ang Pangulo ng sexual harassment.
Ayon pa sa Palasyo, tila hindi nakikita ang magagandang ginawa ng administrasyon.
Sa halip na makakuha ang Presidente ng suporta sa inaakala niyang grupong magbibigay nito sa kanya gaya ng simbahan, ay ito pa ang bumabatikos sa kanya, dagdag pa ng Pangulo.
- Latest