^

Bansa

15 pang Chinese huli sa illegal online gambling

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Labing-limang Chinese nationals na pawang sangkot sa illegal online gambling ang nadakip sa operasyon na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa, Punta Verde Subdivision, Pulong Catutod, Angeles City, Pampanga.

Ang mga nadakip ay kinilalang sina  Yu Shize, Lin Hai Yang, Li Jun Qing, Yu Wen Quian, Xiao Wen Lao, Cai Shui Rong, Lin Jingming, Ju Shi Lin, Qui Zai Wei, Xiao Jian Ze na pawang naaresto sa Angeles, Pampanga.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, nakatanggap ang ahensya ng impormasyon hinggil sa illegal operation ng mga suspek  kaya’ t sa bisa ng search warrant ay sinalakay ang lugar at inabutan ang mga dayuhan na kasalukuyang nag-ooperate ng illegal online gambling.

Samantala, naaresto rin ang limang iba pa sa tatlong condominium units sa Maynila na nakilalang sina Pan Jianbei, Pan Taiyuan, Jie Lu, Shengbo Zhang at Jian Lou Zhou.

Ayon naman kay Vicente De Guzman, NBI Deputy Director pumasok ang mga Chinese nang ligal sa bansa kaya’t wala silang hinala na masasangkot ang mga ito sa iligal na gawain.

Sinampahan sa Manila Prosecutors office ang mga naaresto sa kasong paglabag sa P.D 1602 o Anti-Illigal Gambling Act in relation to RS 10175 o Cybercrime Prevention Act.

ILLEGAL ONLINE GAMBLING

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with