^

Bansa

P1.8-B pinsala ni Rosita sa agri

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
P1.8-B pinsala ni Rosita sa agri
Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 90,052 ektarya ng taniman ang sinalanta sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at sa Regions 1, 2 at 3 partikular sa Benguet, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Zambales.
AP

MANILA, Philippines — Umaabot sa P1.8 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura ng nagdaang bagyong Rosita sa bansa.

Ayon sa ulat ng Department of Agriculture (DA), may 90,052 ektarya ng taniman ang sinalanta sa Cordillera Autonomous Region (CAR) at sa Regions 1, 2 at 3 partikular sa Benguet, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, La Union, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Tarlac at Zambales.

Sinabi ni DA Secretary Manny Piñol na ang mga pananim na palay ang higit na napinsala ni Rosita o may 4,921 magsasaka ang naapektuhan ng kalamidad.

Anya, bukod sa patani­man ng palay ay ang pa­taniman ng mais ang sumunod na napinsala at ang pangisdaan.

Gayunman, nilinaw ng kalihim na kahit na grabe ang pinsala ni Rosita sa mga palayan ay hindi naman kukulangin ang sup­lay dahil sapat ang imbak na bigas para sa panga­ngailangan ng mamamayan.

ROSITA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with