^

Bansa

Satisfaction rating ni Digong, balik ‘very good’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Satisfaction rating ni Digong, balik âvery goodâ
Ang survey ay isi­nagawa mula Setyembre 15 hanggang 23 kung saan lumabas na 70 porsiyento ng mga Filipino ay satisfied sa trabaho ni Duterte.

MANILA, Philippines — Bumalik sa “very good” ang satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa ikatlong quarter ng taon.

Ang survey ay isi­nagawa mula Setyembre 15 hanggang 23 kung saan lumabas na 70 porsiyento ng mga Filipino ay satisfied sa trabaho ni Duterte. 

Tumaas ang rating ng Pangulo kumpara sa kanyang 2018 gross satisfaction ra­ting noong Hunyo na 65 porsiyento.

Base sa resulta ng pinakahuling survey, sa 1,500 adult respondents, 70% ang satisfied, 14% ang hindi desidido, at 16% ang “dissatisfied.” 

Dahil dito, mula sa “good” o +45 sa ikalawang quarter ng taon, naging “very good” +54 o tumaas ng siyam na puntos ang performance rating ng Pa­ngulo.

Mas tumaas ang rating ng Pangulo ng 13 points sa hanay ng Class D o masa pero bumaba naman sa classes ABC ng pitong puntos.

Ang survey ay isi­nagawa isang linggo matapos ihayag ng gobyerno ang pagtaas ng inflation na pumalo sa 6.4 percent.

Base sa methodo­logy na ginagamit ng SWS para sa net sa­tisfaction ratings, ang score ng 70 pataas ay itinuturing na “excellent”, ang 50-69 ay very good, 30-49 good, at 10-29 moderate.

Samantala, itina­nong din sa nasabing survey kung sa palagay nila ay bastos ang ilang pahayag ng Pangulo.

Sa pahayag ni Duterte na “God is stupid” 83% ang nagsabi na bastos ito samantalang 14% ang nagsabi ng hindi ito bastos.

Sa pahayag naman ng Pangulo na maraming kaso ng rape sa Davao City dahil maraming magagandang babae sa lugar, 63 porsiyento ang nagsabi na ito ay bastos, 33 percent ang hindi. 

RODRIGO DUTERTE

SWS SURVEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with