‘Bereavement leave’ isinulong sa Kamara

Sa apat na panukalang batas tungkol dito na nakahain sa Kamara, tatlo ang nagtatakda ng 10 araw na Bereavement Leave with pay habang isa naman ang nagsusulong ng limang araw lamang.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Isinusulong sa Kamara ang panukalang “Bereavement leave” para sa mga manggagawa sa gobyerno at sa pribadong sektor.

Sa apat na panukalang batas tungkol dito na nakahain sa Kamara, tatlo ang nagtatakda ng 10 araw na Bereavement Leave with pay habang isa naman ang nagsusulong ng limang araw lamang.

May bayad o wala man ang ganitong uri ng leave gustong igawad ng mga kongresista sa sinumang manggagawa na mamamatayan na miyembro ng immediate family.

Isinalang na sa joint hearing ng House Committee on Labor and Employment at Civil Service and Professional Regulation ang nasabing mga panukala.

Nagulat naman ang isa sa may akda ng nasabing panukala na si Deputy Speaker Mylene Garcia Albano na wala pa lang Bereavement Law dito sa Pilipinas.

Sinabi ni Albano na masyadong masakit ang mawalan ng magulang o asawa, anak o kapatid kaya dapat binibigyan ng panahon para maka-recover.

Ayon naman kay Bulacan Rep.Lorna Silverio, isa rin sa may akda ng panukala, na mayroon nang ibang leave na iginawad sa mga manggagawa subalit hindi tamang walang leave para sa pagdadalamhati ng isang manggagawang nawalan ng mahal sa buhay.

Show comments