ASEAN countries tutulong sa Pinas
Pag ‘di kinaya si Ompong
MANILA, Philippines — Nakahandang tumulong ang ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) countries sa Pilipinas kung labis ang pinsala ng bagyong Ompong.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na humingi ng international assistance kung hirap na ang pamahalaan sa pagresponde sa mga epekto ng bagyo.
Mayroon aniyang nilagdaang kasunduan si Pangulong Duterte kasama ang mga iba pang leaders ng ASEAN na “One ASEAN, One Response.”
Sa naturang kasunduan, nakasaad na magtutulungan ang mga bansang ASEAN sa pagtugon sa mga natural na kalamidad.
Pahayag pa ni Jalad na ngayon pa lang ay nagpahayag na ng kahandaan ang ASEAN Humanitarian Assistance na pagkalooban ng tulong ang Pilipinas kung kakailanganin.
Una nang inihayag ni Jalad na handang-handa na ang pamahalaan sa bagyong Ompong at umaasa siyang makakamit ang “zero casualties” target.
- Latest