^

Bansa

Gazmin posibleng makulong sa amnesty ni Trillanes

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Gazmin posibleng makulong sa amnesty ni Trillanes
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng na­ging pahayag ni Pangulong Duterte nitong weekend na sabit sa kasong usurpation of authority ang dating Defense chief sa pagkakaloob ng amnesty kay Trillanes.
Manny Marcelo

MANILA, Philippines — May posibilidad na makulong si dating Defense Sec. Voltaire Gazmin kaugnay sa naging papel nito sa pagkakaloob ng amnestiya ng Aquino administration kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng na­ging pahayag ni Pangulong Duterte nitong weekend na sabit sa kasong usurpation of authority ang dating Defense chief sa pagkakaloob ng amnesty kay Trillanes.

Paliwanag ni Roque, hindi isang simpleng kaso ang usurpation of authority kundi ito ay isang criminal liability na maaaring ikakulong ni Gazmin gayung ito aniya ang nagbigay ng otoridad kay Trillanes ng amnesty.

Binigyang-diin pa ni Roque, tanging Presidente lamang ang maaring magbigay ng amnesty at wala nang iba pa.

Aniya, kung titingnan ang amnestiya na pinirmahan para kay Trillanes, lu­ma­labas na ito ang talagang nagbigay ng amnesty sa mambabatas bilang DND chief at hindi si Pangulong Aquino.

VOLTAIRE GAZMIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with