^

Bansa

‘Tsongke boys’ sa viral video na nagmura kay Digong, sumuko

Rudy Andal, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
‘Tsongke boys’ sa viral video na nagmura kay Digong, sumuko
Kinilala ng Malabon City Police ang mga sumuko na sina Cornelo Aguilar, 22; Pen Ren Santos, 23; Cedrick Acharon, 21; Juaneil D. Esles , 18; Kurt Edison Año 22; at Imanuel Guerero, 23, pawang mga nakatira sa Barangay Tugatog, Malabon City.
File Photo

MANILA, Philippines — Sumuko kahapon ng hapon sa Malabon City Police ang anim sa pitong kabataang lalaki sa viral video na humihithit ng usok ng marijuana at nagmura kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinilala ng Malabon City Police ang mga sumuko na sina Cornelo Aguilar, 22; Pen Ren Santos, 23; Cedrick Acharon, 21; Juaneil D. Esles , 18;  Kurt Edison Año 22; at Imanuel Guerero, 23, pawang mga nakatira sa Barangay Tugatog, Malabon City.

Pinaghahanap pa naman ang isa pang suspek na si Randel Luis Roque na siyang nagmumura sa Pangulo.

Sa imbestigasyon, makaraang mag-viral ang video na masayang su­misinghot ng marijuana ang ilang kabataang lalaki na walang damit pang-itaas na minumura pa si Pangulong Duterte at iginigiit ang pagsasalegal ng naturang iligal na droga, agad na nagkasa ang pulisya ng operasyon upang matukoy ang mga lalaking sangkot.

Dito natukoy na taga-Brgy. Tugatog ang mga lalaki kaya nakipag-koordinasyon ang pulisya kay Brgy. Chairperson Edna Valenzuela na siyang kumilala sa pito.

Nang mabatid ng mga kaanak ng mga suspek ang paghahanap ng mga pulis, kusa na nilang isinuko ang anim na suspek upang hindi na malagay sa mas mabigat na kaso.

Samantala, kinondena naman ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang pagmumura ng mga kabataan at paghahamon sa Pangulo na i-legalized ang marijuana sa bansa.

Nakaditine ngayon ang mga suspek sa Malabon City Detention Center at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Related video:

MALABON CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with