Hype cars naniningil pa ng P2/ minute

Sinabi ni Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP, na ang bagay na ito ay naireklamo ng mga on-line-for-hire vehicle riders sa kanilang tanggapan kaya dapat maaaksiyonan para matiyak kung ito ay aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Ibinisto ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang patuloy na paniningil ng isa pang Transport Network Company (TNC) na Hype cars ng P2 per minute charge sa bawat pasahero.

Sinabi ni Atty Ariel Inton, founding president ng LCSP,  na ang bagay na ito ay naireklamo ng mga on-line-for-hire vehicle riders sa kanilang tanggapan kaya dapat maaaksiyonan para matiyak kung ito ay aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Binigyang diin pa nito na panahon na para magpalabas ang LTFRB ng show cause order laban sa Hype dahil sa hidden charges.

Show comments