MANILA, Philippines — Tinanggihan ni Pangulong Duterte ang panukalang magsisilbi siyang transition president kapag napagtibay na ang Federal Constitution.
Ginawa ito ng Pangulo kasabay ng pagtanggap mula sa Consultative Committee ng draft constitution tungo sa Federal Government ng bansa.
Sinabi ni Pangulong Duterte, inatasan na niya ang ConCom na maghalal ng transition president imbes na siya ang aakto rito na mas bata.
Handa raw niyang putulin ang termino kasabay ng pagsisimula ng transition period.
Layunin daw nitong mabura ang mga pagdududa na nais niyang palawigin ang kanyang pananatili sa puwesto at pagod na rin siya.
Tiwala umano si Pangulong Duterte na maipapasa ang Federal Constitution sa 2019 at ang paghalal ng transitory leaders ay para bigyang daan ang mga mas batang lider.
“I instructed Consultative Committee to elect a transitional President. I am willing to cut my term to be co-terminus with start of transition period. Committee agreed. It’s to remove all suspicions and I am tired. Ready to give it to somebody else,” wika ni Duterte.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na nabigla sila at nalungkot sa anunsyo ng Pangulo na bababa na ito sa pwesto sa 2019.