Sara, Bato pasok sa Magic 12, Bong Go malayo - Pulse Asia

MANILA, Philippines –  Pasok sa “Magic 12” sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating Philippine National Police (PNP) Chief Director Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pinakabagong senatorial survey para sa 2019 midterm elections.

Ayon sa Pulse Asia survey na ginawa noong Hunyo 15-21, nasa pang-apat na posisyon si Duterte-Carpio matapos umani ng 46.2 percent, habang nakakuha naman ng 37.7 percent si dela Rosa para lumaga sa pampitong pwesto.

Nangunguna pa rin sa listahan si Sen. Grace Poe sa 67.4 percent, pangalawa si Taguig City Rep. Pilar ‘Pia’ Cayetano-Sebastian na may 55.7 percent, habang pangatlo si Sen. Cynthia Villar na may 50.1 percent.

Panlima naman si Sen. Sonny Angara na may 41.9 percent at pang-anim si dating Sen. Jinggoy Estrada na may 37.9 percent.

Ang iba pang bumubuo sa magic 12 ay sina Sen. Aquilino ‘Koko’ Pimentel (37.7 percent), Sen. Nancy Binay (37.1 percent), dating senador Serge Osmeña (36.6 percent), dating senador Lito Lapid (36.2 percent), at si Sen. JV Ejercito (35.6 percent).

Bumuntot naman sa pang-13 si Sen. Paolo ‘Bam’ Aquino na may 32.1 percent.

Malayo naman si Special Assistant to the President Bong Go sa listahan na nasa 23-31 rank na may 9.9 percent.

Show comments